[Kalissa] "What now? Tell me his name so I can get rid of him," Dinig kong sambit ni Blain nang mahabol ko siya matapos siyang bumaba ng pagka bilis-bilis. Sinilip ko kung sino ang kausap niya at nakita ang babaeng nakayakap sa batang babae, mukhang kasing edad lang ni Karry. "Daddy," Napatingin ako kay Karissa nang maglakad ito papalapit sa ama, hawak sa magkabilang kamay sina Lucy at Vivi. "Are you okay? did they hurt you?" malambing at puno ng pag-aalalang tanong ni Blain sa anak. Napansin ko ang gulat sa mukha ng mga taong nakarinig ng pagtawag ni Karry kay Blain. Humakbang ako papalapit sa pwesto nilang apat, nakita ko pang nakatayo sila Vinny at Jay sa gilid at pareho ring galit ang ekspresyon ng mga mukha habang nakatingin sa harapan. "That girl slapped my daughter, Mr.