Hindi na kami nag-aksaya ng mahabang oras at mabilis na lumipat sa tinutuluyang bahay ni Blain. Sinilip ko si Karry na nasa backseat nakaupo na nakaidlip na sa biyahe. Kasama parin namin sila Regis upang Hindi manibago si Karissa sa mga bagong tao makikita niya pagdating namin sa lugar ni Blain. Inaasahan ko ng maraming tauhan si Blain , tulad noon... mga lalaking naka kulay itim. Pumikit ako at umiling nang magbalik nanaman sa ala-ala ko ang nakaraan. Hanggat maari ay ayokong naaalala yon dahil nakakapag- desisyon at nakakapagsalita ako ng hindi maganda. "We're here." anunsyo ni Blain habang nagmamaneho papasok sa napakalaking puting gate. "Dito ka nakatira?" takang-taka kong tanong habang tinatanaw ang buong kabahayan. "Sobrang laki nito, may mga kasama ka ba sa bahay? hindi ka nama