"Ma'am saan ko po to ilalagay?" Lumingon ako sakaniya at nagbaba ng tingin sa hawak niyang picture frame. "Pakilagay na lang sa bedside table, salamat" nakangiting sagot ko at ipinagpatuloy na ang paglabas ng mga natitira kong gamit sa maleta. Mabilis ang mga pangyayari, hindi ko akalain na titira kami ni Karry sa isang bahay kasama si Blain. Mas lalong hindi ko inaasahang ang magiging dahilan non ay si Henry. Kinakabahan parin ako hanggang ngayon sa mga pwedeng mangyari, kahit sa bibig na mismo ni Blain nanggaling na ligtas kami rito ni Karissa ay hindi pa rin mawala ang takot sa kalooban ko. "May ganito rin pong litrato si Sir, kayo po ba ang mag-ina ni Sir Blain Ma'am?" nagugulat akong lumingon sa kasambahay. "Pero hindi po ba at patay na raw ang anak niya?" Nag Palipat-lipa