"Anak, bakit bumalik ka?" Tigagang akong tumayo at naglakad papalapit sakaniya, ngunit hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Nanatili ang masama niyang titig kay Henry. "Karissa anak," malambing kong tawag sakaniya at hinaplos ang braso niya para mailipat saakin ang kaniyang atensiyon. Pero bigo ako, dahil nanatili parin walang kasing tapang niyang mga mata sa kinauupuan ni Henry. Nakita kong kinuha ni Delious ang tab at ipinakita yun kay Karissa. "We saw your video, what's the meaning of this Karissa?" tanong ni Delious, narinig ko ang mahinang tawa ni Karissa. Nang tingalain ko ang mukha niya ay nakapaskil na ron ang napaka-pamilyar na sarkastikong ngisi. "I auditioned to them and looks like I passed... but, why you guys are making a fuss because of that? Bakit pinapaki