"Karissa can I come?" Buhat ang tray na naglalaman ng paborito niyang mac and cheese ay matyaga kong inintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Hindi ko alam kung hindi niya ba naririnig ang katok at tawag ko o sadyang iniignora niya yun dahil sa tagal ng pagbukas niya ng pinto. Tumayo ako ng tuwid at ngumiti nang pagbuksan na niya ako. "Hi Baby, may dalang food si Mommy. Pwede ba pumasok?" nanunuyong tanong ko, simula ng mag aral siya magtagalog ay nasasanay narin akong kausapin siya ng tagalog. Tumango lamang siya bago iwang bukas ang pinto kaya pumasok na ako at inilipag ang tray sa lamesa niya. Umupo siya sa kama at niyakap ang isang unan. Lumikot ang mata ko para mapagmasdan ang kwarto ni Karissa. Hindi nagbago ang hilig nito sa Barbie at kulay pink. Ang kwarto niya ay nagmistu