Tulala at halos mabingi ako habang pinapanuod na isakay sa ambulansiya ang napakaliit na katawan ng anak ko. Tumigil na sa pagluha ang mga mata ko, pero ang sakit na nararamdaman ko ay mas lalong lumala. "Sasama po ba kayo?" pagtatanong ng lalaking nakauniporme ng hospital. Gusto kong sumagot, oo sasama ako... pero walang lumalabas sa bibig ko. Maski ang igalaw o ihakbang ng isang beses ang mga paa ko ay hindi ko magawa. "Kalissa?" bakas ang panginginig at pagmamadaling tawag nito sa pangalan ko. "Sir kailangan na po nating umalis!" "Let's go Kally" naramdman ko nalang ang pag angat ko sa lupa nang buhatin niya ako papasakay ng ambulansiya. Nang makapasok ako sa loob ay malapitan kong nasilayan ang duguang katawan ni Karissa. Daig ko pa ang sinaksak sa dibdib ng paulit-ulit sa