NAGING tahimik ang buhay nila Maximus at Aquila hanggang sa lumipas ang pitong buwan at lubusan ng umumbok ang tiyan ni Aquila. Sa loob ng pitong buwan na iyon ay hindi naalis ang pangamba at pag-aalala ni Maximus sa kanyang asawa, maging sa kanilang anak. Laking pasasalamat niya na lamang nang walang naganap na masama hanggang sa tuluyang lumaki ang tiyan ng asawa. Ang tanging panalangin na lamang niya, ay manatili ang katahimikan at wala ng kung ano pang kapahamakan ang mag babadya. “W-what is that?” tanong ni Maximus sa kanyang asawa na si Aquila. Nasa himpapawid ito habang nasa loob ng kanilang bahay. May hawak din itong kung ano na hindi niya alam kung para saan, isang bilog na bagay at kulay itim. “Isang kagamitan ng aking mga ninunong salamangkera upang makita ang mga itim na ma