“AMETHYST, do you think she's fine?” tanong ni Maximus sa kaharap na babae habang sila ay nasa labas ng kaniyang bahay at pinanonood ang asawa na nakaupo sa garden at may hawak-hawak na pusa, datapwa’t litaw na litaw na ang pagkaumbok ng bilugan nitong tiyan dahil sa pagbubuntis ay hindi naialis nito ang kagandahan ng babae. Hindi ito nakaramdam ng kahit na anong pagbabago sa katawan tulad ng mga normal na tao. For him, she's still the Goddess. “Ano ang ibig mong sabihin?” balik tanong ni Amethyst. “I'm so concerned about her, dumadalas ang pagkatahimik niya at palaging nasa kwarto. Hindi na rin kami madalas makapag-usap dahil mas gusto nitong nasa labas.” Napabuntong hininga na lamang siya at tinungga ang isang baso ng kape na lumamig na dahil kanina pa ito naitimpla at dahil sa malal