"Janice, please keep in mind, Phil here is my daughter in Law. I will protect her the way I protected my Twins. If you go against her, you're going against me." - Gwynette Alisson Tila nagulat ang lahat ng marinig ang sinabi ni Easton. Maging si Lee ay nanlaki ang mga mata ng marinig sya. Tanging si Mason lang ang hindi nagulat sakanila dahil sya lang ang taong pinagsabihan ni Easton sa kanyang mga plano. "Son, palabiro ka talaga. Why don't you introduce this pretty lady to your Brother Thor." Nakangiting sambit ng kanyang ama na halatang nagtitimpi ng galit. Naramdaman nyang humigpit lalo ang hawak ni Easton sa kanyang balakang. "I think you didn't hear me Dad. I'll repeat myself. She is my wife. You can call her Phil." Itinaas ni Phil ang kanyang kamay at nahihiyang kumaway sa mga ta