"Pakiramdam ko ay dinadala nya ako sa isang malayong paraiso sa tuwing gagawaran nya ako ng kanyang mga halik." - Phil Lumilipad ang utak ni Phil habang nagpipili sila ni Daisy ng isusuot nya. Isang oras na rin ng nakaalis si Easton pero para kay Phil parang isang dekada itong nawala. "Madame?" Napapitlag si Phil sa tawag ni Daisy sakanya. Kanina pa pala ito nag sasalita. "S-sorry may iniisip lang ako." Diretsong sabi nya kay Daisy. "Ano ulit sinasabi mo? Tsaka wag mo 'kong i mamadame nakakailang, Phil nalang." Nakangiting turan nya sa kaharap. "Baka po kasi magalit sakin si Young Master eh." Nahihiyang sabi nito sakanya. "Ako magsasabi sakanya." Ngumiti ito sakanya at saka parang batang excited na lumapit ito dala ang mga dress na nakahanger. "Mam, eto isukat mo po, mukha kang prins