Dahil sa ininom kong wine ay hindi ko na namalayan na naka idlip na pala ako habang nakahiga sa kama. Naalimpungatan lang ako dahil sa tunog ng telepono na nakalagay sa bedside table. "Room 206 speaking!" Rinig kong sagot ni Garry. Hindi ko marinig ang sinabi ng kabilang linya, pero bigla na lang tumaas ang boses ni Garry. "Ano!? Aba hindi puwede 'yun! Nagbayad ako!" "Pero bakit? That's impossible!" Napamulat ako nang marinig ang malakas na pagbaba ni Garry sa telephone. "Oh bakit? Anong problema?" Tamad kong tanong at iminulat ng kunti ang aking mata. Inis na napapadyak si Garry. "Nakakainis! Anong klaseng hotel ba 'to? Aba, pinapaalis ba naman ako ngayon dito! Tumawag 'yung staff ng hotel at sinabing ibabalik na nila ang pera na binayad ko sa room na 'to. Umalis na daw ako nga