PARANG hindi makapaniwala ang parents ko ng aminin kong nagkaanak ako. At ngayon ay halos mangiyak-ngiyak si mommy habang nakatingin sa kambal. Buhat ni daddy si Shannel at buhat naman ni Loraine si Aeron na tawa ng tawa habang pinupugpog ng kapatid ko ng halik sa mukha. Nakaupo lang ako sa sofa habang sa kabila naman si mommy. Si daddy at Loraine ay parihas nakatayo at tuwang-tuwa sa kambal. "Anak naman, paano mo nagawa sa amin 'to? Bakit ka naglihim? Gano'n na ba kami ka walang kwenta ng daddy mo para sa'yo? Ni hindi mo man lang sinabi sa amin na may apo na pala kami," Mangiyak-ngiyak na sabi ni mommy sa nagtatampong boses. "Hindi naman sa gano'n, mom. Masyado lang kasi magulo ang isip ko nung mga panahong 'yun. I'm sorry," Mahina kong sagot. "Huwag mo nang pagalitan ang anak mo,