Elize Napahikab ako at inunat-unat ang aking katawan bago iminulat ang aking mga mata. Maliwanag sa buong silid pero wala na akong katabi sa kama at mag-isa na lang sa loob kuwarto. Nang mapatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ay 7:52 AM na, kaya kahit na parang inaantok pa ako ay pinilit kong bumangot at naligo sa loob ng banyo. Nang matapos sa pagligo ay hindi na ako nag-abala pang magbihis at isinuot ko na lang ang white bathrobe at binalot ng puting tuwalya ang ulo ko bago lumabas ng kuwarto at bumaba ng stairs. Pababa palang ako ng hagdan ay rinig ko na ang pag-iyak ng kambal, kaya nagmamadali akong naglakad papunta ng kitchen. Pero nang mapatapat na ako sa nakaawang na pinto ay agad akong natigilan nang makita kong ano ang nangyayari sa loob. Nakatalikod si drex at wal