"THANK you so much, ma'am. Please come again!" masigla kong sabi sa huling customer na bumili sa Cafelatte.
Nang malingunan ko si Ken ay abot tainga ang ngiti niya. Ito ng kasama ko sa morning shift. Umiling lang ako sa reaksyon niya.
"Bago-bago mo pa lang, pero kung pagkaguluhan ka ng mga babae, wagas!" aniya na tumaas-baba ang kilay.
"Tumigil ka nga, baka kung ano isipin ni sir." nahihiyang sabi ko na bumalik sa trabaho. Niligpit ko ang mga pinaggamitan na mga lamesa.
"Sus! Pabor yan si Sir Riota. Paano, simula nang magtrabaho ka rito, dumami na ang mga customer niya!" aniya na pinunasan ang kalapit na lamesa.
Umiling ako habang hindi mapigilan na matawa. Hindi naman ganun ang iniisip ko dahil wala akong gusto kundi ang kumita ng pera para sa amin ni Monica at pambayad sa pagkakautang ng magulang ko.
Ipinaliwanag sa'kin ng empleyado ng bangko kung bakit ako ang mag so-shoulder ng utang ng magulang ko, dahil may pirma raw ako sa waver na ipinasa ng mga magulang niya. Natatandaan ko nga noon na may pinirmahan akong papeles na ipinapirma noon sa akin ng aking ina. At dahil nasa tamang edad ako nung pumirma ay obligasyon kong bayaran ngayon ang naiwang utang ng mga magulang ko.
Hindi naman kalakihan ang sahod ko rito pero atleast may kinikita ako kahit na papaano, kaya mag papasa ulit ako ng resume sa iba, pandagdag bayad sa utang.
"Adrian?" natigilan ako nang maunigan ko ang pamilyar na boses na 'yun.
Marahan ko siyang nilingon. Nagmagtama ang aming mga mata at hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon. Hindi ko gustong magkita kami sa ganitong estado ng buhay ko.
"Megomi," halos hindi ko 'yun mailabas sa aking bibig.
Megomi is my longtime girlfriend. She was my girlfriend since highschool at botong-boto sa akin noon ang mga magulang niya, hanggang sa naghirap na kami. Hiniwalayan ako ni Megomi sa utos ng magulang niya, kahit pa hindi niya gustong gawin 'yun.
It's been two months since we broke up, minahal ko rin naman siya dahil naging mabuting nobya siya sa akin noon.
Nahihiyang nakamot ko ang batok ko at akmang tatalikiran ko siya ay pigilan niya ako sa'king braso.
"Adrian,"
"May kailangan ho ba kayo, ma'am?" sinubukan kong gawing pormal ng pakikipag-usap ko sa kanya tutal sa lugar na ito empleyado ako at siya ang customer.
"How are you?"
"Umh, I'm okay," maikli at mahina kong sagot.
"I'm sorry for your lost. I'm sorry if I'm not by your side when you needed me the most,"
Marahan kong binawi ang braso kong hawak-hawak niya. Nilingon at binigyan ko siya ng pekeng ngiti. "I understand, Megs. You don't have to apologize,"
Mapait siyang umiling. "I want you back, Adrian. I still loves you. Hindi ko gustong hiwalayan ka, sila dad at mom, ang pumilit sa'kin na hiwalayan ka,"
Nilingon ko si Ken na kunot ang noo habang naka tingin sa amin. Nagbuga ako ng hangin kuway hinila ko si Megomi palabas ng Cafelatte at dinala ko siya sa tagong lugar.
"This is not the right place to talk about that. You shouldn't talk to me. Kapag nalaman ito ng mga magulang mo, tiyak sasaktan ka na naman nila," sabi ko sa kanya na pinupunasan ang mga luhang naglalandasan sa mga pisngi niya.
"P-pero, Adrian,"
"Mag panggap ka na lang na hindi mo ako nakita o nakausap," sabi ko na tinalikuran na siya.
"Adrian, mahal na mahal kita!" aniya na ikinatigil ko. "Hihintayin kita. Magpayaman ka at umangat ka ulit. Kahit gaano katagal hihintayin kita." Niyakap niya ako mula sa likuran.
"Ikaw lang, Adrian. Ikaw lang," pagkasabi ni'yun ay narinig ko na ang mga paa niya palayo sa akin.
Kinuyom ko ang aking mga kamao. Kahit siguro gustuhin ko man ang makaahon sa kalagayan ko ngayon sa tingin ko hindi ko na magagawa 'yun dahil hindi biro ang apat na milyon. Sa ngayon, wala akong dapat na isipin kundi si Monica, sa kanya ko lang muna dapat ituon ang buong responsibilidad ko.
Ilang beses akong nagbuntong-hininga bago bumalik sa Cafelatte at itinuon ko na lang ang sarili sa trabaho.
KINABUKASAN, ala-sais pa lang ng umaga ay bumangon na ako para gawin ang morning routine ko. Nagluto ng baon ni Monica at nagluto na rin ako ng magiging hapunan namin pagka-uwi namin.
Pumasok ako sa kwarto para gisingin na rin si Monica at para kunin ang gamot ko. Tumabi ako sa kanya at ginising ito.
Kinuha ko ng feather sa bedside table at ipinasok ito sa butas ng ilong nito. Natawa ako nang kumislot ng ilong nito, pero nanatili pa ring tulog. Muli kong kiniliti ang ilong nito nang tuluyan na itong umatsing.
"Good morning, Monica!" masigla kong bati.
Naka ngusong nagpupungas-pungas ito. "Good morning, kuya."
Ginulo ko ng kulot niyang buhok. "Maghilamos ka na at mag mumumog, mag uumagahan na tayo," utos ko na nauna nang nagtungo sa kusina.
Agad kong naghaing ng almusal namin at eksaktong tapos na ako nang lumabas si Monica. Inilapag ko sa tabi ng lamesa niya ang gatas nito at sakin naman ay kape.
"Saan mo gustong mamasyal sa lingo, baby?" maya'y tanong ko sa kanya.
"Kahit saan po, kuya." matamlay nitong sagot. Nagtaka ako dahil ngayon lang ito naging matamlay.
Kinapa ko ang noo niya, pero normal naman ang temperature nito. "What's wrong, baby?" I asked her woriedly.
"My stomach is aching, kuya," anito na napapangiwi.
"Masakit na masakit ba?"
Marahan itong tumango. Lalapitan ko sana siya nang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Nang makita kong si sir Riota ang natawag ay agad ko 'yung sinagot.
"Good morning, sir," bungad ko.
"Good morning, Adrian,"
"Mga 7:30 ho, nandyan na ako—"
"You don't have to," putol niya sa iba ko pang sasabihin.
"W-what do you mean, sir?" kunot noo kong tanong.
"Kuya..." ungol ni Chichi. Tiningnan ko siya at sinenyasan na sandali lang.
"I'm sorry, pero kailangan kitang tanggalin sa trabaho,"
Aniya na nagpakunot ng noo ko. "H-ho? Bakit ho? May nagawa ho ba akong mali?"
"I'm sorry, Adrian. But you are fired," huling sabi niya bago siya nawala sa linya.
"Hello, sir? Hello?!"
"K-kuya, h-hindi ko na po k-kaya!" muling daing ni Chichi na inikalingon ko sa kanya.
Yakap nito ang sariling tiyan at namimilipit ito sa sobrang sakit.
"Chichi!" nilapitan ko siya. "I'll bring you to the hospital,"
Sandli kong kinuha ng bag ko sa kwarto. Pagkabalik ko sa kanya ay agad ko siyang binuhat palabas ng bahay. Pinara ko agad ang taxi na paparating at nagpahatid sa malapit na hospital.
"GOOD morning. What is your problem?" agad na bungad sa amin ng doctor pagkahiga ni Monica sa hospital bed.
"My sister have a stomachache," sagot ko.
Hinarap ng doctor ang kapatid ko. "What do you feel?"
"I have a strong pain here," mangiyak-ngiyak na sagot ni Chichi.
"How long have you had this pain?" tanong ng doctor.
"Just this morning po,"
"Tell me, have you eaten any kind of heavy food, or something different?"
Umiling si Chichi. "No po,"
"How strong is the pain. Lets say in a 1 to 10 scale, how would you describe the intensity of the pain?"
"Between 7-8," naka ngiwing sagot ni Monica.
"Is the pain continuous or does it come and go?" muling tanong ng doctor.
"Continuous,"
Tumango-tango ang doctor. "Where in the abdomen does it hurt?"
"Here in the lower-right side of my abdomen," mangiyak-ngiyak ulit na sagot ni Monica. Muli siyang dumain habang sapo ang tiyan nito.
Hinarap ako ng doctor. "Your sister need a surgery as soon as possible to remove the appendix."
Mabilis akong tumango. "Gawin niyo ho doc ang dapat gawin,"
"Akong bahala s kapatid mo," aniya.
"Magkano ho aabutin ang aperasyon, doc?" nahihiya kong tanong.
"50 thousand,"
Tila ako binuhusan ng malamig na tubig sa presyong sinbi nito. Pero kung hindi gagawin ng operasyon, tiyak malalagay sa kapahamakan ang kapatid ko. 'Yun ang hindi ko hahayaang mangyari.
"K-kuya..."
Hinawakan ko ang kamay ni Monica na ngayon ay mainit na. Inaapoy na ito ng lagnat. "You will be fine."
Lutang ako na humakbang palabas ng hospital. Sinabi ko kukuha ako ng pera, pero ang totoo hindi ko alam kung saan ako hahagilap ng pera. Limang libo na lang ng laman ng credit card ko, kaya kulang na kulang 'yun.
Tinawagan ko na si Ken para manghirap ng pera, pero wala rin daw itong pera. Sinubukan kong tawagan si sir Riota, pero hindi na nito sinasagot ang tawag ko.
Sinubukan kong tawagan ang mga kamag-anak namin sa new york, pero hindi rin nila sinasagot ang tawag ko. Talagang pinutol na nila ang ugnayan nila sa amin.
Hindi ko napigilang pumatak ang mga luha ko. Sa unang pagkakataon ngayon lang ako umiyak. Hindi ko magawang umiyak noong makipaghiwalay sa'kin si Megomi ganun din noong namatay ang mga magulang ko. Ngayon lang. Natatakot ako na mawala sa'kin ang kapatid ko. Ayokong mawala siya sa'kin.
Napatigilan ako nang may itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko. Lumabas doon ang apat na lalaking nakasuot ng itim na coat kuway pinalibutan ako ng mga ito.
"S-sino kayo?"
Hindi sila sumagot, pero hinawakan nila ang magkabilang braso ko.
"S-sandali sino kayo?!" Nagpumiglas ako at nanlaban. Pero isang tela ang tinakip nila sa bibig at ilong ko dahilan para unti-onti akong manghina hanggang sa tuluyan akong nilamon ng kadiliman.
NAGISING ako nang may malamig na tubig sa binuhos sa ulo ko. Kumikirot ang ulong nag-angat ako ng tingin. Nagimbal ako nang masilayan ang dalawang lalaking sakama sa dumukot sa'kin kanina.
Gusto ko mang manlaban ay hindi ko magawa dahil nakagapos ang dalawa kong mga kamay. Nagimbal din ako nang matagpuan ko ang aking sarili na walang ni isang saplot.
"S-sino kayo? Anong kailangan niyo sakin?!"
Ngumisi ang lalaki tila hindi ako narinig. "Mukhang tiba-tiba tayo sa isang ito."
Tiba-tiba? Anong ibig nitong sabihin?
"Mukhang makakahakot tayo ng limpak-limpak na salapi." sabi naman ng isang lalaki.
Kinakabahang nilibot ko ng tingin ang buong paligid, pero isa lamang iyong walang kalaman-lamang kwarto.
"N-nasaan ako? Anong gagawin ninyo sa'kin?" muli kong tanong sa dalawa.
"Ikaw si Adrian Amado, tama ba?"
Dinuraan ko siya sa mukha. "Sino kayo? Mga tarantado kayo. Pakawalan ninyo ako rito!"
Nang akmang sasapampalin ako ng lalaki ay inawat ito ng kasama nito. "Ano ka ba! Kapag nagkaroon 'yan ng maski isang pasa, hindi natin maibebenta ng mahal 'yan!"
Maibebenta? Lalo akong nakaramdam ng natakot. Kailangan kong makaalis dito dahil kailangan ako ni Monica.
"Pakiusap, kailangan kong umuwi, kailangan ako ng kapatid ko,"
"Tumahimik ka!" Mariing hinawakan ng lalaki ang mukha ko "Makakauwi ka din pagkatapos nito. Kaya sagutin mo na ang mga itatanong ko!"
Nabuhayan siya ng loob. "T-talaga? Makakauwi ako pagkatapos nito? A-ano ho ba ang gagawin ninyo sakin?"
"Sumunod ka lang at hindi ito magtatagal kapag nakipag operate ka. Ngayon sagutin mo ang tanong ko, ikaw ba si Adrian Amado?"
"A-ako nga,"
"Ilang taon ka na?" tanong nito.
"30,"
"Hindi halata," sabi ng isang lalaki.
Ngumisi ang lalaki. "Birhen ka pa sa likod?" natigilan ako. Bakit nito kailangan tanungin ang bagay na 'yun?
"Bakit mo kailangan mala—"
"Oo, hindi lang!"
"O-oho." lalong lumawak ang pagkakangiti ng dalawa sa nalaman.
Naglabas ng kung anong bote ang isng lalaki mula sa bulsa ng pantalon nito at tinapat iyon sa ilong niya.
"Singhutin mo," utos nito.
"A-ano ba 'yan?"
Sinabunutan niya ako para mailapit sa mukha ko ang bote. "Singhutin mo lang 'yan giginhawa na ang pakiramdam mo." Anito na idinikit sa ilong niya ang nguso ng bote.
Mariin akong pumikit at pinipigilang huwag singhutin 'yun, pero nabigo ako. Tila ako biglang nakaramdam ng pagkahilo at unting-onti akong nakakaramdam ng pag-init sa katawan.
"Ilabas mo na 'yan doon," narinig kong utos ng isang lalaki. Masyado akong lutang para alalahanin ang lahat ng nangyayari sa paligid ko.
Kinaladkad ako ng lalaki papunta sa kung saan, pinaupo sa malamig na sahig at sunod na narinig ko ay mga bulungan ng maraming tao.
Inangat ko ang aking ulo at sinubukang tingnan ang paligid pero nanlalabo ang aking paningin. Sunod-sunod na rin ang pagtaas-baba ng dibdib ko at tumataalalo ang temperatura ng katawan niya. Para siyang nahihibang na hindi niya maintindihan.
"Let's proceed to our last item," narinig kong sabi ng isang auctioneer.
"A virgin heiress. This item cost start with five hundred thousand pesos!"
"Six hundred thousand!"
"Eight hundred thousand!"
"One million!"
"One point five million!" sunod-sunod na agad ang labanan sa presyo at pataasan ng pera.
"Two million!"
"Three million!"
"Four million!"
Sunod-sunod na sigawan ng tao. Hindi ko maintindihan ang nangyayari basta ang alam ko lang ngayon ay init na inita na ang pakiramdam ko.
Natuon ang tingin ko sa isang lalaking naka suot ng itim na maskara na nasa bandang gitna. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko at tila ako nahihipnotismo sa bawat tingin na ibinibigay niya sa'kin.
"Five million!" muling sigaw ng isang lalaki.
"Number 17, five million." sigaw ng auctioneer. "Going once, going twice-"
"Six million!" sigaw nang lalaking nakasuot na itim na maskara.
"Seven million!" laban ng isang lalaki.
"Eight million!" muling sigaw ng lalaking naka maskara habang hindi nito inaalis ang tingin sa'kin.
"Nine million!" sigaw ng isang lalaki.
"Fifteen million pesos!" sigaw ng lalaking may itim na maskara. Umalis ito mula sa pagkakaupo at lumakad papunta sa stage. "in cash." binuksan nito ang bag at sinaboy ang milyong milyong salaping laman niyon.
"Number 28, fifteen million pesos. Going once, going twise... This item is sold!"
MABIGAT ang pakiramdam ko nang magising ako. Bigla akong bumalikwas ng upo nang mabungaran ang hindi pamilyar na kwarto.
Hindi biro ang mga gamit na nandirito halatang hindi basta-basta ang taong nagmamay-ari ng kwartong ito.
Mariin akong pumikit at inalala ang mga nangyari. Dinukot ako ng mga kalalakihan tapos naka gapos ako nang magising, tapos, tapos...
Naputol ang pag-iisip niya ko nang bumukas ang pinto. Isang lalaking nakaitim na coat ang iniluwa niyon.
"My boss invites you to his office." anito.
Nangunot noo ako. "Boss? Sinong boss?"
"Malalaman mo rin. Sundan mo ako dadalhin kita sa kanya," anito na nauna ng lumakad.
Wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Wala naman ibang laman ang isip ko kundi si Monica.
Kinatok ng isang lalaki ang itim na pinto. "He's here, boss," pagbibigay alam nito. Pagkasabi ni'yun ay kusang bumukas ang pinto.
"Get in side." utos sa'kin ng lalaki na halos ipagtulakan ako papasok sa kwarto.
Pagkapasok ko sa loob, agad na bumungad sakin ang simpleng disenyo ng opisina. Wala akong ivang nakikitang kulay kundi itim at puti. Dumako ng mga mata ko sa isang itim na swivel chair na naka talikod.
Marahan iyong pumihit paharap sa'kin at isang lalaking nakasuot na maskara ang bumungad sa paningin ko. Nang magsalubong ang aming mga mata ay nakaramdam ako ng takot sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi pa ako nakaramdam ng takot sa isang tao, ngayon pa lang.
Meron sa pagkatao niya na dapat katakutan. This man is very intimidating. Sumisigaw sa pagkatao nito ang awtoridad at kapangyarihan.
"Sino ka?"
"I'm the one who bought you,"
Napalunok ako. Anong ibig nitong sabihin na binili siya nito?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ako ang bumili sa'yo sa auction kanina, you maybe high in drugs but I know you still remember what's happening earlier,"
Yes I still remember.
"Stop f*cking me, hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala akong pakialam sa auction na sinasabi mo o kung anong ponchopilato pa 'yan!"
Tumaas ang sulok ng labi niya. Umalis ito sa pagkakaupo sa executive chair. "Hindi ka pa rin nagbabago, Adrian Amado."
Did he know me? Or did we met before?
"Matabil pa rin ang bibig mo," tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng pang-iinsulto sa ginawa nito.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Ang dating tinitingala ngayon tinatapakan na lang. Ang dating mapagmataas at mapagmata, ngayon siya na ang minamata. Bilog nga naman ang mundo, hindi parating ikaw ang nasa ibabaw," sabi nito n hindi ko maintindihan mung bakit nito sinasabi ang mga salitang 'yun.
"Just straight me to the point, mister who ever f*cking you are," mariin kong sabi.
Kailangan ko nang makaalis dito. Kailangna ko ng makahanap ng pera para sa iperasyon ni Monica.
"I bought you so you're mine, meaning hindi ka makakaalis dito dahil akin ka na."
"A-ano? Paanong—"
Mariin niya akong hinawakan sa mukha. "Wala akong pakialam kung paano ka nakarating sa black market, basta binili kita kaya akin ka na."
"Mas lalong wala akong pakialam sa sinasabi mo!"
Isang malakas na sampal ang binigay niyang sagot sa'kin. "Wala kang karapatan na sagutin ako lalo na ang pagtaasan ako ng boses!"
Nagsimulang manginig ang katawan ko sa takot. Hindi ko alam kung ano ang kailangan o plano ng lalaking ito sa akin. Kung totoo man ang sinabi nitong binili niya ako, siguradong malalagay sa kaahamakan ang buhay ko.
"N-nakikiusap ako, nasa hospital ang kapatid ko at kailangan maoperahan. Hindi ko alam kung papaano ko mababayaran ang perang pinambili mo sa'kin, pero magbabayad ako paunti-unti,"
Nakakaloko itong tumawa. "Paunti-onti? Malaki ang pagkakautang mo sa isang bangko, paano mo mababayaran ang lahat ng 'yun?"
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Paniguradong nag background check na siya sa akin.
"I have a great proposal for you, Adrian," anito. Pero ramdam ko na na hindi ko magugustohan ang iaalok niya.
"W-what proposal?"
"Be my toy," mabilis niyang sagot.
"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Tutulungan kitang mabayaran ang pagkakautang mo sa bangko, but in exchange you will use your body to pay your dept. You'll pay me fifty thousand each time I use your body."
"Are you f*cking kidding me?! Are you gay?"
Muling tumaas ang sulok ng labi nito. "So what if I am?"
Patuya akong tumawa. "I'm not what you think, Mister who ever you are. And for your information, I'm not like you!"
Isang malakas na sampal ulit ang ibinigay niya sa'kin. "Ikaw ang nangangailangan ng pera, ikaw pa nagmamatas? Marami kang pagkakautang, you need money higit pa 'dun nasa hospital ang kapatid mo ngayon at nag-aagaw buhay," natawa ito.
"Wala akong pakialam kung may mangyaring masama sa kapatid mo, basta akin ka. I already give you a great proposal but you refuse, wala na akong magagawa." anito na tinalikuran ako.
Nabaling ang tingin ko nang tumunog ang cellphone na nasa ibabaw ng office table. Alam kong akin 'yun. Mabilis ko 'yung kinuha at agad na sinagot.
"Hello, Mr. Amado, kailangan na hong maoperahan ang kapatid mo sa lalong madaling panahon," anito mula sa kabilang linya na ikinakuyom ng aking kamao.
Kung hindi ko agad ito magagawan ng paraan baka tuluyan ng manganib ang buhay ni Monica.
Wala na akong pagpipilian. Gagawin ko ito para sa kapatid ko. Isa pa, dahil sa ito ang bakla siguradong ako ang magiging top. Papayag ako sa gusto nito alang-alang kay Monica.
"Pumapayag na ako," pikit ang matang sabi ko.