KUMIKIROT ang ulo nang magising ako. Marahan kong iminulat ang aking mga mata, medyo malabo ang paningin ko kaya muli akong pumikit at tsaka muling iminulat ang mga mata. Agad akong nagpanik nang makita kong nasa isang madilim na lugar ako. Nang tangkain kong iangat ang aking mga kamay ay doon ko lang napagtanto na nakatali pala ang mga kamay ko sa likod ng inuupuan kong upuan. "Tulong! May tao ba dyan?!" sigaw ko kahit na alam kong maaaring walang makakarinig sa akin. Pero nagbabakasakali pa rin ako na mayroong makarinig at matulungan ako. "Tulong!" muling sigaw ko. Dahil sa takot na aking nararamdaman ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. May pagsisisi akong nararamdaman kung bakit pa ako umalis sa mansion ni X or should I call him Jodan? Pero alam kong wala rin naman mangyayari