NAGISING ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintong bakal at pumasok doon ang isang lalaki. Pumunta siya sa likuran ko at sa pagtataka ko ay tinanggal niya ang pagkakagapos ng mga kamay at sinunod naman nitong tanggalin ay ang pagkakagapos ng mga paa ko. "Pasalamat ka't mabait sa'yo si Boss Ken. Ewan ko ba kung anong meron sa'yo." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ito naglakad palabas ng kwarto. "Sumunod ka sa'kin." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at walang imik na sinundan ito. Mahabang hallway ang nilakaran namin bago kami huminto sa tapat ng isang malaking pintuan. Kumatok ang lalaki bago nito binuksan ang pinto. "Pumasok ka na," sabi nito na halos tulakin ako papasok sa loob. Pagpasok ko sa loob, nakaupo sa bilog na lamesa si Ken habang kumakain ito ng masasarap na pagk