NAGISING ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa dahil sa sama ng pakiramdam ko. Mainit sa kinaroroonan ko pero nanginginig ang buo kong katawan "Nasaan si Adrian?!" rinig kong tanong ni Ken kay Mark. "Dito ko lang siya iniwan kanina, Boss." "Bukas ang bintana baka dyan siya dumaan palabas. Bobo ka talaga! Imbis na may panangga tayo wala pa!" Nabaling ang tingin ko sa cellphone nang umilaw iyon. Jack is calling. Gusto kong igalaw ang kamay ko pero hindi ko magawa. Talagang hinang-hina ako. Muli akong nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Mga sigawan at kung ano pa. Hindi na lahat klaro sa pandinig ko dahil umiikot ang paningin ko. Hindi ko alam kung gaano katagal na ang lumipas mula ng mangyari ang kaguluhan sa labas.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books