ONE WEEK passed by... Naging komportable na ako sa kaniya. Nasasanay na rin ako na matulog na siya ang katabi ko at siya ang makikita ko sa paggising. Si Jack palagi ang nagluluto at gumagawa sa mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, dahil mabilis na ako mapagod kahit na magpumilit akong maghugas ng plato ay hindi niya ako pinapayagan. Maupo na lang daw ako or magpahinga. Nasasanay na ako na siya ang kasama ko, kausap, kabiruan at lagi niya akong napapatawa kahit sa maliit na bagay lang. Dahil sa kaniya nakakalimutan ko ang tunay na dahilan kung bakit kami nagtatago ngayon dito sa private island. Pero may pagkakataon kapag naiisip ko si Jodan, gusto kong umiwas kay Jack. Kasi kahit man ako hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit tila ang gaan ng pakiramdam ko kay Jack. Humugot a