"JODAN!" Sigaw ko at pabalikwas akong bumangon. Hingal na siniri ng mga mata ko ang kabuohan ng aking kwarto pero walang ibang tao 'dun maliban sa akin. Mabilis na kumawala ang mga luha ko mula sa aking mga mata. Hindi ako pwedeng magkamali, rinig na rinig ko ang boses ni Jodan. Umalis ako sa ibabaw ng kama at walang sapin sa paa na lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom. Tulog pa ang mga tao dahil madaling araw pa lang. Pagpasok ko sa kusina ay hindi ko mapigilang mapahawak sa dibdib dahil sa gulat. Nadatnan ko doon si Jack na nagtitimpla ng kape. "I'm sorry if I startled you," anito na simipsip sa tasang hawak. Kumuha ako ng baso at tubig sa ret. "Why you still awake?" tanong ko na nagsalin ng tubig sa baso. "I can't sleep." "Why?" "Because I just mis