O L I V I A
"Olivia!" sita ng aming guro sa P.E, “Ikaw na lang ang walang sports sa Top 10. Hindi porket matalino ka na ay okay na. Dapat makisali ka rin sa mga non-academics organizations. Ang final grades niyo ay hindi lamang sa porsiyento makukuha niyo sa test papers. Sayang ka.”
Nakita ko pang pailing-iling ‘yung teacher sa ‘kin. Ano ba ang problema sa pagiging lampa? Eh ayaw ko nga sa P.E. eh. Hindi naman sa maarte ako o ano, kaso alam ko lang ‘yung limitasyon ng katawan ko. Hindi kasi nila ‘yun maintindihan. Gusto kong magreklamo kaso natatakot akong mabulyawan ulit ng terror kong teacher.
“Tumahimik ka r’yan,” obserba ni Sir na para bang alam na niya kung ano ang nasa isip ko. “You can say whatever you want to say, habang n’andito ako sa harapan mo. Once I’m out of here, I will not give you another chance to speak with me.”
Haay. Napatanga na naman ako sa harapan niya.
“A-Alam niyo naman Sir na hindi ako mahilig sa sports. Hindi ko kaya ang mag-dribble ng bola, mag-serve ng bola, o tumakbo nang mabilis,” nauutal kong sabi kahit na alam ko naman na walang patutunguhan ang usapang ‘to. May P.E. pa rin akong subject at kailangan kong mag.P.E. para ipasa ang subject na ‘to.
Nakita kong napabuntong-hininga si Sir.
“Naku! Olivia! Mapupukpok ko na ‘yung ulo mo. Ayaw mo kasing subukan.”
‘Eh kasi Sir—“
“Kalahating oras ka na dito sa Faculty.” Napabuntong hininga na naman si Sir sabay titig sa ‘kin. “Ipapasok kita sa Chess Club.”
Ayaw ko sanang simangutan si Sir kaso wala na. Nagawa ko na. “Hindi na daw po sila Sir tumatanggap sa sobrang daming sumali d’un.”
“Then you have no choice. I hate to say this, pero wala ka talagang option. It’s either you will fight your fears or you will join one sport that you hate.”
Lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir, “Sir naman eh. Ayoko.”
“Actually, you have no choice Olivia. I already recommended you up for the Theatre Club.”
Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. Para saan pala ang diskusyon na ‘to kung nakapag-decide na siya? Ang labo mo Sir! Ang labo! Kahit kailan ay hindi pa ako humarap sa maraming tao, maliban na lang kapag Recognition Day!
“To save you,” bigla namang naging mahinahon ang boses niya. “Alam ko na alam mo din kung ga’nu kaimportante na maging honor dahil consistent top 10 ka since nag-aral ka school na ‘to. But this is High School and you should be competitive enough with your fellow honor students. You should know, we are building you all for the upcoming college life. Hindi kita pinapahirapan o tinutorture sa mga sinabi ko. Again, you still have your options.”
Wala akong magawa kung ‘di ang tumahimik.
“You may leave.”
At talagang nag-walked out ako sa Faculty Room habang hindi ko na siya nililingon. Wala naman ako magagawa, ‘di ba? Bakit ba ako magsasayang ng oras sa kakadebate kung sa huli, ako pa rin ang talo, ako pa rin ang hindi masaya, at mas lalong ako pa rin ang no choice.
Dumiretso ako ng locker room at kinuha ang makakapal na libro sa Physics, Mathematics at English. Kahit nga pagbubuhat ng libro, nabibigatan na ‘ko, ano pa ‘yang mga sports na ‘yan.
Kainis si Sir!
Hindi ko namalayan, biglang may kumuha ng mga libro na bitbit ko. Sa sobrang layo ng iniisip ko ay hindi ko namalayan ang pagsulpot ni Jared sa tabi ko. Bigla akong nataranta sabay hablot ulit ng libro ko sa kanyang mga kamay.
Sa pagka-clumsy ako, tuluyan ng nahulog ‘yung mga libro sa semento nang mahawakan ko ang kanyang balat. Kainis! Bakit ba ako nagkakaganito sa tuwing malapit siya?
“Nagulat ba kita?” Pagtataka niya sabay pulot ng mga libro ko. Anu ba ‘yan! Ako na ang clumsy, siya pa ‘tong nagpulot. Gusto kong magreklamo kaso naunahan na naman ako ng hiya. “Ako na ang magbubuhat,” sabay ngiti niya sa ‘kin. Gusto kong matunaw kaso gusto kong maglaban lalo na kapag ang kaharap ko ay wala man lang kamuwang-muwang sa sarili kong damdamin. Ayoko siyang tingnan sa mga mata dahil kanina pa umiinit ang mukha ko. Nagba-blushed na lang ako nang hindi sinsadya.
Tinangnan ko si Jared nang palihim.
Ang gwapo niya pa ring tingnan sa plantsado niyang polo. Maputi si Jared kaya talagang lutang na lutang ang kanyang angking kapogian. Clean-cut ang kanyang itim na buhok na mas lalong nagpadagdag sa kanyang pagkamalinis tingnan. Sabagay, ano nga ba ang ini-expect ng isang lalaking Corpe Commander na, varsity player pa?
Nakangiti pa din siya ‘kin. Ito ang pinakaayaw ko sa kanya eh, ‘yung nakakasilaw na ngiti. Dapat ay sanay na ako kasi ganito naman talaga ang approach niya sa mga babae. Hindi siya babaero sadyang napaka-gentleman lang ng isang ‘to. Ewan ko ba kung bakit kasama ako sa mga pinapansin niya. Sabagay, wala naman siyang pinipili.
Hindi ako espesyal sa kanya kagaya ng pagka-espesyal niya sa ’kin.
Bigla akong nalungkot nang mapagtanto ko ‘yun. “Ako na ang magbubuhat n’yan.”
“At bakit?” Pilit niyang itinaas ang mga libro ko sa ulo niya. Salamat sa height, nagmukha akong duwende sa tabi niya. Inirapan ko si Jared. Narinig ko siyang tumawa nang malakas. Tama na ang pagiging clown,inunahan ko siyang maglakad.
Ayoko ng tsismis. Ayoko siyang katabi. Ayokong pag-initan ako ng mga babae dito ako sa school. Mas invisible mas maganda. Bahala siyang magbuhat ng libro ko, basta ayoko siyang makasabay…kahit gusto ko pa. Gustong gusto.
Sapul sa dibdib, sa sobrang pagyuko ko sa sahig, hindi ko napansing may nabunggo akong pader. Napahawak pa ako sa mukha ko kasi medyo masakit.
Muntik pa akong mapanganga nang hindi pala pader ang nabunggo ko….kung ‘di isang dibdib ng lalaki. Oh my God! Sa sobrang freaked out ko, nag-frozen ako sa kanyang harapan. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang mapagtanto ko kung sino ang nakabangga ko. Ramdam ko ang panlalamig sa aking katawan at hindi ko na din kailangan pa ng salamin para masabing pumuputla ako. Sa kadami-dami namang pwedeng mabunggo, bakitsiya pa?
Badtrip si Sir kanina. Alam ko ‘yun.
Badtrip si Jared sa hindi magandang inasal ko. Malamang..
At siya, talagang badtrip din.
Gusto kong mapaiyak kaso hindi naman kasi ako ang tipo ng babaeng umiiyak na lang dahil sa mahina siya. Hindi ako gan’un. Kahit na napapaso ako sa sitwasyon, hinding-hindi ako iiyak.
“Tol! Pasensiya na,” naabutan ako ni Jared at inakbayan niya ako sa balikat. Bigla akong kinilig dahil sa unang pagkakataon niya akong inakbayan. Kahit papaano ay naibsan ang matinding kaba sa aking dibdib. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, basta ang alam ko, ang sama ng tingin ng lalaking kaharap ko. Mas lalo pa yatang sumama nang dumating si Jared. Kung nakakapatay ang isang titig, siguro ay kanina pa ako natigok.
“Hindi niya sinasadya. Sige, mauna na kami, Yosef” muling sabi ni Jared habang naramdaman ko na lang ang paglalakad naming dalawa paakyat ng hagnanan. Saka pa lang niya tinanggal ang braso niya sa balikat ko nang tuluyan na kaming nakarating sa second floor.
Walang espesyal d’un. Alam ko ‘yun.
Sinagip lang niya ako sa taong ‘yun. Wala ng iba.
Nauna siyang pumasok sa room at pasimpleng ibinaba ang mga libro sa desk ko. Hindi na niya ako tiningnan katulad ng kanina. Sa isang iglap, nakalimutan niyang kasama niya ako ilang minuto lang ang nakalipas at inakbayan pa niya ako. Lagi na lang ganito. Hindi na naman ako kasali sa mundo niya.
Masakit din pa lang isiping halos umiikot na ang mundo ko sa kanya kahit na palihim. Kahit na alam ko naman, ang isang tulad ko, ay hanggangtingin lang sa isang tulad niya.
Kainis.
Umupo ako sa aking silya habang binubuklat kuno ang libro na nand’un. Iwas tingin sa aking minamahal na unang pag-ibig, magpapakalunod na lang ako sa pag-aaral. Mabuti pa ang libro, hinding hindi ako sasaktan—‘yung utakko lang. Kasi ‘pag ang puso masaktan, mahirap matanggal ang sakit, parang kasing dinikit.
Napabuntong-hininga, mahirap talaga ang magmahal.
“Ang pag-ibig ay parang anay na walang ginawa kung ‘di kainin at sirain ang pundasyon ng puso ko," mahina kong sambit sa hangin.