PINUNASAN ni Genevive ang luhang tumakas mula sa kanyang mata habang nakatingin sa puntod na nasa harapan nila. Niyakap naman siya ng asawa. Hindi ito nagsasalita pero pinaparamdam naman nito na nasa tabi niya lang ito. "It's my fault ... it's all my fault ..." Aniya. "Sshhh ... it's not your fault, hon. It's not ..." "Pero kapag sinabi ko ng mas maaga sana nandito pa siya. Sana naisilang pa niya ang anak nila. Kasalanan ko 'to ..." Paninisi ni Genevive sa kanyang sarili. Tumingin siya sa puntod na nasa harapan nila. Lumuhod siya at hinawakan ang puntod. "I'm very sorry, Avery." Bumalik ang alaala niya sa araw na 'yun. Inayos niya ang pagkain ng Luna Queen at inilagay sa tray, siya ang pinagkatiwalaan ng Alpha King para sa pagkain ng reyna para sa pagbubuntis nito. Ang pinagtatak

