Five months later ... "GAWIN MO ANG LAHAT PARA MAWALA SIYA SA LANDAS KO!" Napatigil sa paglalakad si Genevive dahil sa narinig niya. Sa hallway 'yon. Malalim na ang gabi kaya wala ng mga maids. Nagpapahinga na ang mga ito. Galing siya sa kusina ng palasyo dahil nakalimutan niya ang tumbler niya na may lamang tubig. Hindi na niya sana papansinin ang narinig niya pero pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Nagtago siya sa isang pader at sinilip kung sino ang nasa hallway. And she's right, it's Ciara. May kausap itong lalaki pero hindi niya nakikita ang mukha dahil nakaharap ang likod nito sa kanya. "Are you serious, Ciara? She's the Luna Queen. Gusto mong patayin ko siya?" She gasped. "Oo. Gusto ko siyang mawala sa landas ko. Matagal ko ng pangarap maging reyna pero nang dumating ang Av

