NAKAHALUKIPKIP si Avery habang pinapanood ang taong-paniki na may kung anong ginagawa at nakaharap ito sa puno. Sa totoo lang nagngangawit na siya sa posisyon niya. Nakatiwarik siya at nakakaramdam na rin siya ng kaunting hilo. Ano ba ang pwede niyang gawin para makumbinsi niya ang taong-paniki na pakawalan siya? She sighed. Ang hirap naman nito. Sinubukan niyang sunugin ang baging na nakapulupot sa paa niya pero sadya yatang may halo itong bakal dahil ayaw masunog at mas lalong humigpit ang pagkapulupot nito sa kanyang paa. She groaned in frustration. Tumingin siya muli sa nakatalikod na taong paniki. Maiitim ang pakpak nito at balat. May mahaba itong buhok at nakadamit ng balat ng hayop. Ang pinagtataka lang niya ay kung paano ito nakakakita sa liwanag? Sa pagkakaalam niya ay hindi nak

