"AVERY, bakit ka pumasok sa lugar na ito?" Tanong sa kanya ni Serena. Magkakaharap silang nakaupo sa lupa at may bonfire sa gitna nila. Napansin lang ni Avery na panay ang tingin ni Zaya kay Serena. "Isang pagsubok. Kailangan kong mapaamo ang dragon at makalabas dito para patunayan na karapat-dapat akong maging Luna Queen." Sagot ni Avery at nagkibit-balikat. "Mate ka ng isang Alpha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Serena. Tumango si Avery at sumandal sa puno. Madilim na ang buong paligid at may hamog. "Si Elder Hyde ba?" Tanong ni Serena. "Opo." Nagkatinginan sila ni Zaya ng itinapat ni Serena ang dalawa nitong daliri sa noo nito at ipinikit ang mata. Segundo lang ang lumipas nang ibinaba nito ang kamay at tumingin sa kanya. "Hindi maaaring malaman ni Elder Hyde ang sasabihin ko

