NAWALAN ng balanse si Avery nang bigla siyang sugurin ng itim na ibon. She fell on the ground. Lumipad palayo ang ibon pero mabilis siyang nagpalabas ng maraming ugat mula sa lupa at hinabol ang ibon. Napangisi siya ng maikulong ito. Bumagsak ito sa lupa. She summoned her fire power and throws a fire ball. Ilang saglit lang ay nagliyab ang itim na ibon hanggang sa abo na lang ang natira. Nang makarinig siya ng galit na sigaw. Napatingala siya sa itaas at nakita niya sa itutok ng palasyo ang isang matandang babae. Kulot ang mahaba nitong buhok at may hawak na ... itim na patpat? "Pinatay mo ang alaga ko!" Galit nitong sigaw. Ang Black Witch! Nakatingin lang siya dito hanggang sa napansin niyang bumukas ang malaking pinto ng palasyo. Kumunot ang nuo niya nang makita niya ang itim na usok

