HINDI ALAM NI AVERY kung sino ang uunahin niyang iligtas. Tumalim ang tingin niya kay Mona na nakangisi habang nakatingin sa kanya. "Matagal ko ng hinihintay na makaharap ang isang makapangyarihang elemental." Ani Mona. Ngumiti si Avery. "Hindi ko pinangarap na makaharap ang isang Black Witch." Aniya. Tumawa si Mona at tumingin kay Dawn na nasa likuran niya. "Hindi na ako nagtataka na mabilis mong napaamo si Dawn. Isa kang Elemental pero sa tagal ng panahon, inaasahan kong mahirapan na ang isang Elemental na mapaamo ang Elemental Dragon dahil matagal na itong hindi nakakita ng tao pero napakadali para sa'yo." Sabi ni Mona at nakaguhit ang pagtataka sa mukha nito. Napatingin naman si Avery sa kanyang tattoo. Tumingin siya kay Dawn at inilapit lang nito ang mukha sa kanya. Umangat ang k

