2

1137 Words
Chapter Two Naging palaboy ako pagdating ng siyudad. Hindi ko alam kung nasaan ang iba naming kamag-anak. Habang nagdadalamhati sa pagkawala ng pamilya ay kailangan ko pa ring kumilos para makakain at hindi mamatay sa gutom. "Sama ka sa akin?" iyon ang tanong ng isang babae ng isang gabing nakasiksik ako sa gilid ng isang drugstore. Gabing-gabi na at malakas ang buhos ng ulan. Nanginginig ako sa labis na lamig at gutom. Hindi alintana ng babae kung nababasa na siya. "Tutulungan kitang mabago ang buhay mo." Nang narinig ko iyon... kahit hindi ko ito kilala ay sumama ako rito. Ito pala ang babago ng buhay ko. Totoo ang sinabi nito na tutulungan niya ako. Hindi ako katulad ng ibang batang nakasama ko sa lugar na iyon... may mga iyakin. May mga batang parang takot na takot sa mundo. Matigas ang puso ko. Kahit nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko ay hindi na ako umiyak pa. Nagpakatatag ako habang nasa poder ni Lady A. "Tulala ka," pabirong binangga ako ni Barbara. Bumisita lang ito sa head quarters. Inabutan pa niya ako na tulala at nakatingin sa malayo. Nang humarap ako rito ay bumeso ako rito. "How are you? Mabuti't nakuha mong bumisita," saka ako yumakap sa braso nito. "Pinatawag ako ni Lady A. May mga pina-review siya sa akin. Pina-check na rin niya kung pwede mo na bang makuha ang last mission mo," natigilan ako. Parang slow motion pang lumingon dito. Isa-isa nang nakakuha ng huling misyon ang mga kaibigan ko, ang mga kasabayan ko sa pagpasok sa organization na ito. Nagtataka ako kung bakit parang isa ako sa naiwan dito. Wala pa ang huling misyon. "Naiinip ka na ba?" "Nagtataka na kung bakit wala pa rin ang huling misyon ko, Barbara," amin ko rito. "Huwag kang mainip, Claudia. Niluluto lang mabuti ni Lady A ang misyon mo. Hindi biro ang mga taong babanggain mo sa trabahong ito. Kaya kumukunsulta pa siya. Well, sinasabi ko sa 'yo ito dahil may basbas naman ni Lady A." "Thanks, Barbara," niyakap ko ang kaibigan. "Kumusta ang pagbabantay sa bagong alaga ni Lady A?" tanong nito sa akin. "Damn! Pinaaalala mo pa talaga ang dahilan ng sakit ng ulo ko?" biglang na stress na tanong ko rito. "Why not? Nakakasagap pa rin naman ako ng balita kahit nasa labas na ako ng organization." "Tsk. Ewan ko ba kay Lady A kung bakit nagpasok ng baliw rito sa organization. Sobrang sakit sa ulo ng batang iyon. Pinoprotektahan siya ni Lady A, pero parang ako na ang magtutumba sa kanya mawala lang ang sakit ng ulo ko," hinumtok ko sa kaibigan. Malakas itong natawa. "Si Mace lang pala ang makakagawa n'yan... iyong wall na iniharang mo sa sarili mo... tinitibag niya." "Tinitibag? No! Inakyat n'ya para lang araw-araw na sirain ang mood ko. Sobrang tigas ng ulo. Parang gusto kong isako." "Pagtiyagaan mo lang, Clau. For sure magtatanda rin ang batang iyan. Parang iyong ilang kaibigan lang natin, 'di ba? Nangunguna si Islah. Siya ata ang version ni Mace." "Tsk. Kumusta na kaya si Islah?" "Naghe-heal pa sa malayo, Clau. For sure babalik din iyon at haharapin ang past niya." Napatango-tango naman ako. "Oh, she's coming!" sa pagkakangiti ni Barbara habang nakatingin sa hallway ay gets ko na agad. Hindi na ako nagtanong o lumingon. Kumaripas ako ng takbo. Hindi lang si Barbara ang tumawag sa akin. Pati rin ang dalagitang paparating. Si Mace. "Ateeeee!" madalas tahimik ang hallway o kahit pa ang buong head quarters. Pero simula nang dumating si Mace... hindi na natahimik ang lugar na ito. Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Lady A rito. Dinala pa talaga rito sa head quarters. "Clau!" tawag ni Tori sa akin. Nakasalubong ko ito pero hindi ako huminto sa pagtakbo. Nang si Teri na ang nakasalubong ko ay hinarang na ako nito. "Bakit ka tumatakbo?" "Umiiwas ako sa sakit ng ulo!" seryosong sagot ko rito. "Sa akin?" sabay turo nito sa sarili. Damn! Isa rin pala itong sakit ng ulo. "Sa rank 1 na sakit ng ulo, Teri!" giit ko. "Kay Islah?" "Huli ka ba sa balita? May tumalo na sa pagiging rank 1 ni Islah. Tinalo na siya ni Mace." "Oh, si Mace girl? Isama mo ako kung saan ka man pupunta." Ngayon ay dalawa na kaming tumatakas sa stress... tumatakas kay Mace. -- Pinagmamasdan ko ang kalendaryo. Unang araw ng buwan ng Abril. Isang buwan na lang at magsisimula na naman ang kakaibang kapistahan sa bayan ng Corazon. Wala pa rin akong natatanggap na balita kay Lady A. Nakakaramdam na ako nang pagkainip. Habang natatapos ang mga kaibigan ko sa mga huling misyon nila... ako ito't naghihintay pa rin. "Ateeee!" alam ko na kung sino iyon. Kahit hindi ko pa i-check. Naririnig ko pa lang ang boses nito ay parang nahihilo na ako sa stress. "Ateeee!" nakasimangot na lumakad ako patungo sa pinto ng unit ko. Salubong ang kilay na pinagbuksan ko ng pinto si Mace. "What?" asik ko rito. "Ate Clau, pinapatawag ka ni Lady A. Lagot ka!" pananakot nito sa akin. "Char! Punta ka raw at may sasabihin siya sa 'yo." "K." Tipid na sagot ko rito. "Hindi ko dapat sabihin sa 'yo, dapat si Lady A ang magsasabi. Pero i-chika ko na rin. About iyon sa last mission mo." Ganito katabil ang dila ng babaeng ito. Kung iba siguro ito'y baka may parusang matanggap. Pero dahil si Mace ito... ang lihim na paborito ni Lady A, siyempre walang parusa. "My last mission?" nagsalubong ang kilay. Iniisip ko pa lang kung kailan ko matatanggap ang huling misyon kanina. Ngayon makukuha ko na ba ang pinakaaasam kong misyon? "Punta na dali! Tapos libre mo ako ng ice cream," excited na ani ng babae. Dali-daling tumakbo ako makarating lang agad sa office ni Lady A. Pagdating ko roon ay agad akong kumatok. "Pasok," seryosong ani ng babae sa loob. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob saka itinulak ang pinto para makapasok. I saw Lady A. Naghihintay ito sa akin. Agad initsa ang isang folder. "May isang buwan ka para maghanda, Claudia. It's your last mission. Paghandaan mo para sa buwan ng mayo ay alam mo na ang gagawin mo. Sasali ka sa Praeda Game." "L-ady A?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Hindi ba't mas masayang maglaro kung lahat ay handa ring maglaro?" "Pero tiyak namang hindi na kasali iyong may mga may sala sa sinapit ng pamilya ko, Lady A?" naguluhan ani ko. "Pero ang mga kamag-anak, anak, at apo, ay possible na Praedarii sa Praeda Game, right?" unti-unting gumuhit ang mapanganib na ngiti sa labi ko. Naupo ako sa upuan sa harap ng mesa nito. Binuklat ko ang folder. Unang tumambad ang larawan ng isang lalaki. "Ang taong iyan ang tutulong sa 'yo para maging opisyal kang Praedae." "Sino ito?" "Isang malapit na kaibigan ko, Claudia." Napatango-tango ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD