CHAPTER 38: Let’s Get Married

2479 Words

THIRD PERSON POV NAGKAKASIYAHAN sina Gracelyn kasama ang mga co-teachers niya sa rooftop terrace ng Aqua Spirit bar, na matatagpuan sa Argyll Street, malapit mismo sa Oxford Circus sa London. Alas onse na ng gabi at nangingibabaw ang mga halakhakan at sigawan ng bawat grupo. Nakikisabay sila nang sayaw sa masiglang tugtog ng live DJ set habang kumikislap ang mga ilaw ng bar at ng siyudad sa kanilang paligid. Bawat isa ay may mga hawak ring baso ng alak at panaka-nakang umiinom. Si Gracelyn ay nagawa pang sabayan ang kantang Die for You by The Weeknd and Ariana Grande, habang sumasayaw ng bahagya. "Wohoo! Even though we're goin' through it... And it makes you feel alone... Just know that I would die for you... Whoa! Baby, I would die for you, yeah!" Muling nagtawanan ang magkakaibigan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD