Gracelyn Fairford "Grace, you never said your brother was ridiculously handsome," bulong sa akin sa harapan ni Amelia habang nakatukod ang mga siko niya sa mesa at tinatakpan ng kamay niya ang bibig niya upang 'di makita ng iba. Pero dinig na dinig pa rin naman ang sinasabi niya. Mukhang sinasadya pa nga niyang marinig iyon ni Kuya, na ngayo'y nasa tabi ko. We were currently on the train, heading to London. Four seats faced each other, with a table in the middle. Si Kuya ang nasa tabi ko at nasa harapan namin sina Amelia at Harriet. Ang iba naming mga kasama ay nasa likuran namin at sila naman ang magkakaharap doon. 'Di pa man kami nakakapasok dito kanina ay ipinakilala ko na kaagad sa kanila si Kuya Bokbok. At kanina pa lang din ay nangungutitap na kaagad ang mga mata nila sa paghanga