Gracelyn Fairford "Mama!" Agad akong kumaway kay Mama nang makita ko na siya sa screen. After kong maligo ay ako na ang tumawag sa kanya. "Hey, how are you, honey? Why haven't you been answering my calls?" tanong niya habang panaka-nakang sumusulyap sa akin. She was in the kitchen preparing breakfast. Nakapatong lang ang phone niya sa ... mukhang mesa. Ang phone ko naman ay ipinatong ko rin sa ibabaw ng bedside table. Lumayo ako sa screen at agad na nagbihis. "Sorry, Mum. I woke up late. Magbibihis lang po ako," paalam ko. "Hmm, mukhang ginabi kayo ng uwi ng kuya mo kaya napuyat ka. Nakasama niyo ba kagabi ang mga co-teachers mo?" "No, Mum," I quickly replied. "We went somewhere else kasi ... hindi ko feel makasama ni kuya ang mga co-teachers ko." Mabilis kong isinuot ang mga underw