CHAPTER 02: The One My World Revolves Around

1596 Words
Gracelyn Fairford "Good morning, sweetheart!" Nagising ako sa masiglang tinig ni Mama kasabay nang paghila paalis ng kumot sa katawan ko. "It's already eight, anak. Masyado ka bang napuyat kagabi?" Bigla na lamang lumiwanag at tumama sa aking mga mata ang sikat ng araw mula sa labas. Agad akong nasilaw. Malamang, binuksan na rin ni Mama ang mga kurtina ng bintana ko. "Antok pa 'ko, Ma. Saturday naman ngayon. Gusto ko pang matulog." Hinila ko ang isang unan at itinakip sa aking mukha. "Are you sure? Ayaw mong sumabay sa pag-aalmusal ng Kuya mo?" Bigla akong napahinto sa sinabi niya, kasunod ang pagdilat ng aking mga mata. "Si Kuya? Nandiyan pa si Kuya?!" Hinawi ko kaagad ang unan at napabalikwas ng bangon. Tumitig ako kay Mama at naghintay muli ng sagot niya. Ngumiti naman siya nang pagkatamis-tamis, pero nakakunot ang noo. "Yes. Why? Nagkita na ba kayo kagabi?" "Ahh..." Napaisip naman akong bigla. "Of course, he greeted me last night. He didn't let my birthday pass, even if there was only a minute left before the date changed. And he gave me a gift, Mama!" Agad kong hinawakan ang pendant ng necklace kong suot at ipinakita sa kanya. "Look, Ma... Kuya was so thoughtful. Pumasok siya dito sa room ko at ibinigay niya 'to." Nakangiti din naman siyang lumapit sa akin habang nakatitig sa necklace ko. Hinawakan niya rin ito at pinagmasdang mabuti. "Wow, napakaganda, anak. Bagay na bagay sa'yo... Napaka-sweet talaga ng Kuya mo. Kahit bihira na natin siyang makasama, hindi pa rin naman niya tayo nakakalimutan." Nangilid bigla ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakikita ko ang magkahalong saya at lungkot sa kanya. "It's okay, Mama. 'Yon naman ang importante, 'di ba? Pamilya pa rin niya tayong itinuturing kaya umuuwi pa rin siya." Agad siyang ngumiti. "Oo naman, anak. Huwag mong alalahanin si Mama. I just really miss those days when you were still kids. 'Yong dating Bokbok na maingay, makulit, masayahin, at madaldal." "Matanda na kasi ngayon si Kuya, Ma. Marami talagang nagbabago sa personalidad ng isang tao, lalo na sa mga nararanasan nila sa buhay habang lumalaki." Natahimik naman siyang bigla at nagbaba ng tingin na tila may malalim na iniisip. "Okay ka lang, Ma?" She looked up at me again and smiled. "Yeah. Lumabas ka na, at samantalahin mong naririto siya. We don't know how long he's staying. He might leave again any moment now. Nagdahilan lang ako kanina na masama ang pakiramdam ko para mapilitan siyang hindi kaagad umalis." "Really, Ma? You actually said that?" Agad na rin akong bumaba ng kama. Dinampot ko ang robe ko sa couch at isinuot. "Wala naman akong ibang maisip na dahilan. Nagbakasakali lang ako na mag-aalala siya at hindi niya ako iiwan ng ganito. At ... alam mo ba, anak. Nag-offer pa siya na samahan ako sa doctor. Ang sabi ko ay pahinga lang ng kailangan ko at ang presensya niya." Napangiti na lang ako at napailing sa sinabi niya. "Just ... don't use that kind of excuse again, Ma. It's scary." Pumasok ako sa loob ng banyo at naghilamos. Nag-gargle din ako ng mabuti. Kagabi bago ako natulog ay naglinis na ako ng katawan ko. Tinakpan ko rin ng iba pang mga papel na may alcohol ang trashcan ko dahil tuwing umaga ay pumapasok si Mama sa mga silid namin para gisingin kami. Ganun ako ka-ingat upang wala siyang malanghap na kakaiba dito sa silid ko, lalo na sa tuwing nagtatalik kami ni Kuya. "Tumatanda na rin naman kami ng Papa niyo. Di na maiiwasan na magkasakit kami," aniya mula sa labas. "Ma, 'wag masyadong feeling matanda, okay? You're only forty-eight, and Papa's fifty-one. You're both still young, strong, and healthy. You'll probably live to a hundred." Narinig ko ang pagtawa niya sa labas. "Wala na yatang ganun, anak. Kung meron man, siguro isa o dalawa na lang. Habang lumilipas ang panahon, pabata nang pabata ang mga namamatay araw-araw." Agad na rin akong lumabas ng banyo. "Ma, please, huwag na lang nating pag-usapan 'yan. Iba na lang. Lalabas na po ako." Humalik ako sa pisngi niya at agad na tumakbo palabas ng pinto. Tinakbo ko na rin ang hallway, hanggang sa pagbaba ng hagdan. Natanaw ko naman kaagad si Kuya Bokbok sa dining table at kumakain na nga, kasama ang dalawa sa tatlo naming mga kapatid. "Kuya!" hindi ko napigilang sigaw habang patuloy sa pagtakbo palapit sa kanila. Napalingon naman sila sa akin, pero ang mga mata ko ay tanging kay Kuya lamang nakatutok. Wala akong mabasang anumang emosyon sa kanya, pero nanatili siyang nakatitig sa akin. "Good morning!" Agad ko siyang niyakap mula sa likod at mabilis na hinalikan sa pisngi. "Akala ko talaga aalis ka kaagad ng maaga kaya nagpa-late ako ng gising." Diretso akong nagtungo sa cabinet upang kumuha ng tasang kapehan. "Pinigil lang ni Mama si Kuya," sagot ni Gillian, na siyang ikinalingon ko sa kanya. "He was already outside earlier, about to leave on his motorbike." Napatingin akong muli kay Kuya na nananatiling tahimik habang patuloy na kumakain. Bale lima kaming lahat, si Kuya Bokbok ang panganay—but he was our adopted brother—Sumunod ako, then si Garret, who’s now twenty-one at poging-pogi. Si Gillian ang sumunod, na nineteen years old na at kasing-ganda ko. Si Hanz naman ang bunso, eleven years old at boy version naman ni Mama. Natanaw kong bumababa na rin ito ng hagdan, at nakalambitin na naman sa baywang ni Papa kahit ang laki-laki na. Ganyan siya kalambing sa aming lahat. Bumalik ako sa mesa matapos kong magtimpla ng kape. "Wala ka naman siguro talagang trabaho ngayon, eh," aniko kay Kuya. "Mag-stay ka na muna dito, please. Leave on Monday instead—perfect timing, since I’m heading to London that day too." "What are you going to London for?" tanong ni Papa na ikinalingon namin sa kanya. "Good morning!" agad ko namang bati. Sumalubong na rin ako sa kanila ni Hanz at humalik sa pisngi niya. Yumakap muna sa akin si Hanz bago tumakbo patungo sa silya niya. "May Educational Field Visits & Study Tours kami, Papa," I explained. "At bibisita kami kasama ang mga fellow pre-school teachers sa isang model nursery school sa London. 'Yung may forest school setup. Gusto raw nila kaming i-expose sa iba't ibang teaching approaches, lalo na sa outdoor learning at child-led play." "That sounds great. You’ll have some fresh ideas to bring back to your class," he replied with a smile. Napangiti ako. "Exactly, Papa. Sobrang excited na nga ako. First time kong makakakita ng forest school in action." "Goodluck. Make the most of it, sweetie. Take notes, learn everything you can—and enjoy the experience, too. Hindi araw-araw may ganung pagkakataon." He gently patted my shoulder. "We’re proud of you." "Thank you so much, Papa." Hindi ko siya napigilang yakapin mula sa tagiliran niya. "Baka doon ka na rin makahanap ng boyfriend," sagot niya na ikinagulat ko. "What?!" Si Kuya ay biglang nasamid, at basta na lamang dinampot ang tinimpla kong kape. Sunod-sunod niya itong hinigop. "What’s the matter?" Papa asked casually. "You’re twenty-four now, baby. You’re not a child anymore." "Nililigawan na siya ni Mr. Bennett, Papa!" biglang sabat ni Hanz na siyang ikinalingon namin sa kanya. Namilog bigla ang aking mga mata. Agad din akong nilingon ni Kuya at nakita ko ang mga tanong sa mga mata niya at kakaibang talim. Napansin ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa mga kubyertos niya. "Who’s Bennett?" mahina ngunit madiin niyang tanong kay Hanz. "Mr. Theo Bennett, Kuya," Hanz replied innocently. "He’s the head teacher." "He’s not courting me, Hanz. Don’t be silly," I said, trying to stop him. "But he gave you flowers yesterday. And a gift," he pointed out. "Because it was my birthday! Is that such a big deal?" "Iba siya tumingin sa'yo. Parang in love—" "Hoy, Hanz, ano'ng alam mo sa ganyan, ha? Ang bata-bata mo pa, eleven ka pa lang, 'yan na kaagad ang napapansin mo?" Napalingon ako kay Papa nang tumawa ito habang umuupo na sa silya niya. "Ano namang masama kung manligaw sa'yo si Mr. Bennet?" "Papa, hindi nga siya nanliligaw—" "Is he coming with you on Monday?" tanong ni Kuya Bokbok na ikinalingon kong muli sa kanya. Matiim ang pagkakatitig niya sa plato niya. Gumagalaw ang mga ugat niya sa sentido, halatang galit siya. Ako naman ay nasa tabi niya at dahan-dahan na ring umuupo sa silya ko. Napalunok ako at hindi kaagad nakasagot. "Ahm, yeah... kasama siya. Marami kami," alanganin kong sagot. Bigla siyang tumayo na siyang ikinatingala namin sa kanila. "Where are you going?" Papa asked. "Just using the loo," mahinang sagot niya bago siya tumalikod at agad na tinungo ang banyo. Muli akong napalunok. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. I glanced at Papa, only to find him already looking at me. "Mukhang hindi na naman siya sang-ayon... same as always," aniya bago dinampot ang lalagyanan ng kanin at naglagay sa plato niya. Hindi ako nakasagot. Oo, mula noong bata pa lang ako, noong nakakasama pa namin siya ay mahigpit niya akong binabantayan. Walang nakakalapit na mga lalaki sa akin noon dahil hinaharang niya. Ilang beses pa siyang napaaway. Kaya ang mga kaibigan ko noon ay puro mga babae lang. Nakalaya lang ako noong lumayo na siya. Pero hindi ko pa rin nagawang makipagrelasyon sa iba, dahil noon paman din ... ay mahal ko na siya. Siguro 'yong way niyang 'yon ang naging dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Siya lang ang tanging lalaking umiikot sa mundo ko noon, at magpa-hanggang sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD