Gracelyn Fairford BIGLA AKONG napatayo sa silya ko. Napalingon sa akin ang mga co-teacher ko nang may pagtataka. Si Theo naman ay nakita kaagad si Kuya Bokbok malapit sa pinto. Napalingon din ang iba pang teachers sa kanya mula sa ibang table, at kitang-kita ko kung paano niya naagaw ang pansin ng mga ito, lalong-lalo na ng mga kababaihan. "E-Excuse me, I'll be right back," I said to my colleagues as I stepped away from my seat. "Is something wrong?" Harriet asked. "Gavriel's here," turan namang bigla ni Amelia kasabay nang paglingon niya kay Kuya. Napalingon na rin sa kanya ang iba pa naming mga kasama. Si Kuya ay palapit na sa amin pero sinalubong ko na siya. Hinawakan ko kaagad ang kamay niya at hinila siya patungo sa pinto. "Nasisiraan ka na ba?" mariin kong bulong sa kanya.