A day after Ryan's wedding proposal... Walang pagsidlang ang kasiyahan na nararamdaman ni Yngrid simula pa kagabi nung mag-propose sa kanya unexpectedly si Ryan. Suot na niya ang singsing at imbis na dumiretso sa trabaho ay nagpalaam siyang mag-absent muna saka tumungo sa ospital na pinagta-trabaho-an ng nakatatanda niyang kapatid. Na-i-post na nila ni Ryan ang tungkol doon at sigurado siyang nabasa na naman iyon ng kapatid ngunit gusto niya pa din sabihin dito ng personal. They promised not to keep any secrets the day that both of them reconciled. It's no secret that she's seeing Ryan again. Sa kapatid niyang panganay din unang nagawang sabihin ang tungkol doon na hindi naman nito tinutulan. Alam nito kung gaano nila kamahal ni Ryan ang isa't-isa at sinabi namang sino ba ito para tumuto