Planning a wedding is really hard. Lalo na kapag lahat sa pamilya ay involve at hindi talaga maiwasang mag-clash. Gaya ngayon, sumasakit na ang ulo ni Yngrid dahil pati kulay ng bulaklak na gagamitin ay pinatatalunan ng nina Tita Cali at Auntie Celia niya. Iba ang gusto ng Mommy ni Ryan, iba din sa Auntie niya kaya nonsense talaga yung sinabing siya ang masusunod sa lahat. Design lang talaga sa mga preparasyong gagawin para sa sarili niyang kasal. Marahan siyang tumayo ngunit agad din napabalik sa pagkaka-upo ng makaramdam ng pagkahilo. Napatingin sa kanya ang dalawang ginang na kasama niya at mabilis siyang dinaluhan. Sinapo ng tiyahin niya ang kanyang noo upang i-check kung may lagnat ba siya habang ang Mommy naman ni Ryan ay nagpatawag ng doctor sa isa sa mga kasambahay. Finally, may n