Dinner kasama ang pamilya ni Ryan ang pinaka-ayaw ni Yngrid sa lahat. It's means she have to act normal in front of Ryan and the other members of his family. Buong linggo na nga niyang ginagawa iyon sa DLE kaya hindi niya maintindihan kung bakit pati ang weekend ay hinihingi pa ng mga ito. Hindi naman ito mahihindian ng Daddy niya ang alok ng mga magulang ni Ryan kaya wala siyang choice kung 'di ang makisama. Malalim siyang huminga pagkatapos ay tumayo at humarap sa whole body mirror. Matama niyang sinuot ang pares ng hikaw na niregalo ng kanyang Daddy noong nakaraang kaarawan. "Ready?" tanong ng tinig na nagmula sa bahagyang nakapinid na pintuan ng kanyang kwarto. May pilit na ngiting gumuhit sa labi niya ng makita doon ang kanyang Ate Andeng. "We will just eat there. Hindi mo naman kail