CHAPTER 23 “Decide, Sabina. Isang milyon para maisalba ang lola mo, o sasabihin kay Ryu na niloko mo lang siyang buntis ka.” Ngiting malapit na sa tagumpay ang iginawad nito sa babaeng kaharap. Gulong-gulo at galit. Kitang-kita niya kung paano mag-apoy ang masiyahin nitong mga mata. Poor province girl. “Naghihintay ako, Sabina. Pero para wala ka namang masabi, alam kong pressured ka ngayon kaya iiwan ko na lang ang number ko. Tawagan mo lang ako kung nakapagdesisyon ka na.” May dinukot ito sa loob ng bag. Sabina almost hear her heart thumping. Mariin siyang napapikit at napakuyom- palad. “Ano'ng magiging kapalit ng isang milyon?” she gritted her teeth. Naudlot ang pag-aabot ng calling card sa kaniya ni Yura. Nagningning ang singkitin nitong mga mata. The b***h. “A letter." N