CHAPTER 24 HABANG nasa OR ang kaniyang lola, tulala lang si Sabina sa isang sulok. Kahit anong encouragement ang sabihin ni Kiara, na maililigtas ang lola niya, para siyang walang naririnig. Nasa malayo ang kaniyang isip. Ryu, patawarin mo ako. I'm sorry. I'm sorry… Hindi maampat ang pagluha niya. Tumutunog ang kaniyang cellphone pero parang wala siyang naririnig. “Sabina, may tunatawag sa iyo. Sagutin mo muna.” untag ni Kiara. Pero tiningnan lang niya ang screen at hinayaang tumunog. Inignora ang tawag ni Saireen. Nasa ibang bansa na si Saireen. Pagkatapos ng kasal nila ni Ryu, umalis na ito at ang paalam ay magtatrabaho sa Singapore. Natanggap na raw ang application niya sa isang malaking kompanya roon. Pero siya at ito lamang ang bakakaalam ang tunay na dahilan kung bakit ito a