SA ISANG puting silid nagising si Sabina, may suwerong nakakabit sa kaniyang kamay. I'm in the hospital, she thought. Si Kiara ang nabungaran niyang nakayupyop sa gilid ng kama niya. “Kiara,” tawag niya sa dalaga. Pupungas-pungas ang dalaga nang magmulat ito at makitang gising na siya. “Sabina, gising ka na pala. Teka-teka lang at tawagin ko ang doctor.” Tatayo na sana ito nang hawakan niya sa kamay. “Huwag na muna, Kiara. Mabuti naman na ang pakiramdam ko. Pagod at puyat lang ito dahil sa burol.” Thinking of her lola's death, naiiyak na naman siya. “Ay huwag kang masyadong mag-isip at mag-iiyak, ha. Bilin ng doktor ay iwasan mo ang stress nang di maapektuhan ang baby mo.” Baby mo...baby mo... the words echoed in her ears. “Baby? Kiara...” Ano ang ibig sabihin ni