MULA sa veranda ay tanaw ni Fe ang babae sa silong ng malagong puno ng mangga. Nililipad ng mabining hangin ang mahaba at itim nitong buhok. Nakangiti ito habang hinahaplos ang tiyan. Maumbok na iyon at tingin niya'y nagdagdag lalo sa kagandahan sa babae. Hindi ito naniniwala sa tuwing sinasabihan niyang napakaganda nito. Tatawa lang ito at iiling sabay sabing, "Inuuto mo lang ako para pumayag sa gusto mo". Napailing siya. She's a real beauty-inside-out. Nanghihinayang lamang siya dahil hindi nito deserved ang nangyari sa kaniya. Muntik pa niya itong masagasahan nang biglang tumawid sa kalsada. Mabuti na lamang nakapagpreno siya agad at nahimatay ito bago pa maabutan ng kotse niya. Dinala niya ito sa ospital at doon niya nalamang buntis ito. Nang magkamalay, wala itong ni isang salit