MATAPOS IBABA ng lalaki ang cellphone at pinausad na rin niya ang sasakyan nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makapaniwalaan ang lahat ng nalaman. Halos sampung taon na rin siyang nawala sa bayan na iyon at hindi niya lubos maisip na napakaraming bahay ang nangyari. Una ay ang pagkawala ng kasintahan hanggang sa aksidenteng pagkakita sa isang batang kamukhang-kamukha ng kaniyang ate. Mas lalo pa siyang naghinala nang malaman kung sino ang ina ng batang iyon. Muling tumunog ang cellphone niya. Agad na sinagot iyon dahil nakitang ang detective na inupahan na maghanap sa nawawalang kasintahan. "Hello?" Bungad rito. "Yes, Mr. Costales. Alam kong hindi ka maniniwala sa nalaman ko pero ayon sa aking pag-iimbestiga. Alam ng pamilya Frias na kasama mo si Lara Frias. Nawala raw ito ng mi