"HELLO!" Inis na sagot ni Vince. Si Lira kasi ang natawag at alam niyang hinahanap na naman siya nito. "Vince si mama sinugod naman sa ospital. Bakit galit ka na naman yata?" Anito matapos sabihin na sinugod ng nga ito ang kaniyang mama. Agad siyang nabahala. "Anong nangyari kay mama.." agad na tanong. "Bakit hindi ka pumunta rito upang malaman mo!" Papilosopong turan ni Lira saka siya pinatayan ng tawag. "Sorry Dennis, kailangan ko nang umalis. Nasa ospital daw si mama.." paalam sa lalaki. "Okay kuya. Okay ka lang ba? Gusto mo bang samahan na kita?" Alok rito. Tumingin ito sa kaniya. "Wala naman po akong lakad.." segunda pa. "Okay sige.." anito saka nakisakay na siya rito. Titignan lang niya kung ano ang magiging reaksyon ni Lira kapag nakita nitong magkasama sila ng asawa nito. P