Malakas at papalakas pang palakpak ang umagaw sa kanilang atensyong lahat. Doon ay nakita ang buntis na si Erika. "Magaling! Sinasabi ko na nga bang magkasama kayong dalawa," agad na sugod nito sa kinaroroonan nila. Mabuli na lamang at nailapag na ni Darius ang tray na hawak. Mabilis na hinarangan si Erika bago pa lumapat ang palad nito kay Kendra. "Bitawan ko ako! Kakalbuhin ko ang haliparot na iyan," pagwawala pa nito. Lahat ng mga nasa cafeteria ay naagaw ng pansin dahil sa pagdating ni Erika. Lalo na at buntis pa. Marami ang empleyado niya ang puno ng pagkadismaya sa mga tingin sa kaniya. "Sabi bitawan mo ako eh!" pagpupumiglas ni Erika kay Darius. "No!" matigas na wika niya rito. "Hindi ko hahayaang saktan mo ang mag-ina ko!" inis na turan dito hanggang sa makitang napalunok ito