Matapos magbitaw ang kanilang labi ay niyakap muli ni Darius si Kendra buhat sa likod nito. Batid niyang pagod ito dahil mukhang kararating lang nito buhat kung saan ito galing. "Saan ka galing?" malambing na tanong rito. "Sa Hawaii, sa kapatid ni Papa roon," saad naman ni Kendra. Ramdam na ramdam ang paghinga ni Darius sa kaniyang leegan. "Buti naisipan mong bumalik?" napuno ng kyuryusidad na tanong ni Darius. Napangiti si Kendra. Ramdam niya ang paggalaw ni Darius sa kaniyang harapan. Akma itong babangon nang sagutin ang tanong nito. "Tinawagan ako ni Cedric," aniya rito na kinatigil nito. Napaupo ito sa kaniyang harapan. "Napanuod ko rin ang balita tungkol sa PIFC," pag-aamin dito. "Sa totoo ay ayaw ko itong mawala dahil noon pa man ay pangarap ko nang makapasok sa kompaniya mo. T