"Sorry, Ma'am, mauuna na po ako. Babalikan ko na lang po si baby mamaya, nakangiting wika ng babae ngunit kahit nakangiti ito kita pa rin ang mapanuring titig nito sa kaniya. Inaaral din ni Erika ang galaw ng nurse. Hindi alam ngunit iba ang pakiramdam sa bawat titig nito kay Christiano kaya nang makalabas ito ay hindi maiwasang titigan ang lalaki. Kitang nakatingin pa rin ito sa pintuhang nilabasan ng babae at nang mapansin yata nito ang kaniyang titig at agad nitong nilipat ang tingin sa kinaroroonan. Nagkahinang ang kanilang mga tingin at walang nais magbitaw ng tingin. Hanggang sa umingit ang kanilang anak dahilan upang ibaling na roon ang tingin. Mabilis itong pinadede gaya ng tinuro ng kaniyang Mama. Hanggang sa maalalang nakatingin sa kaniya ang lalaki kaya nahihiyang inayos ang