Napalunok ng makailang ulit si Kendra nang makita ang mapanghinalang titig ng kaniyang sister in law. Isip yata nitong hinalikan siyang kaibigan kaya ganoon ito makatingin sa kanila. "Ahmmmm!" tikhim ni Cedric. "Babe, okay ka lang ba?" untag nito sa kasintahan sa mga mapanuri nitong mga tingin sa kanilang dalawa. "Oo naman," anito at pormal ang mukhang tingin sa kanila. Lumapit si Cedric dito. "Babe, kita mo ba iyong nurse kanina?" turan ni Cedric na tila pinapaalala rito ang nurse na nakita kanina. Nakitang kumunot naman ang noo nito. "Bakit? Saan doon?" maang naman nitong mas lalong lumiim ang titig nito. "Iyong tumawag sa atin kanina at sinabing pwede nang puntahan si Erika?" paalala pa niya rito. Sa mukha naman nito ay tila naalala ang babaeng tinawag ni Christiano. "Iyong babae