Sa huli ay nanaig ang takot sa babaeng iniwan sa restaurant. Ayaw niyang ipagsapalaran ang buhay ng mga magulang niya. Sa totoo ay natatakot sa maaaring kahinatnan ng kaibigan sa kamay ni Erika. Sa muling pagkakataon ay sinundot siya ng kaniyang konsensiya. Mabilis na tinalunton ang daan upang mag-abang ng masasakyan nang bigla ay may makabungguhan siya. "Ouch! Crap!" bulalas ng lalaki. Sumaboy kasi rito ang hawak nitong shake. Napatigil siya upang humingi ng paumanhin. "Sorry, Sir," aniya nang mapagsino ang babaeng kasama ng lalaking abala sa pagpagpag ng damit nito. "Kendra!" bulalas niya. Kasabay nang pag-ahon ng kaba sa dibdib. Bigla ay tila binayo siya ng kaniyang konsensiya at tila senyales iyon upang sabihin na dito ang masamang balakin ni Erika dito. "Hey! Bakit, mukhang naka