Chapter 38:

2601 Words

Kapwa nakatingin sa kaniya ang magulang ni Kendra. Matamang naghihintay ng kaniyang sasabihin. "She's working in my company, she's my personal accountant," aniya sa mga ito at nakitang tila nabunutan ng tinik ang lalamunan ng mag-asawa sa kaniyang sinabi. "Ganoon ba? Kumusta ang anak namin?" ang naiiyak na turan ng ginang. Tila miss na miss ang anak nito. Sabagay, kahit na sino naman siguro kung nag-iisang anak mo lamang. "Mabuti naman po siya, Ma'am," tugon rito. "Mainam kung ganoon. Miss na miss ko na ang anak kong iyon. Ngayon lang nalayo sa amin," turan nito. Tinatantiya ang reaksyon ng dalawa. Napapalunok nang magtama ang mata nila ng lalaki. Tahimik ito pero matatalim ang titig sa kaniya na tila ba inaarok siya nito. Inaaral at tila napapaisip kung ano talaga ang kaniyang motibo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD