Kinabukasan ay nagising si Darius sa sinag ng araw na pumasok sa kaniyang silid. Napadilat ang mata at doon napagtantong nasa probensiya siya. Napatayo siya sa may bintana at nakita ang mag-amang Mang Mariano at Martin na naghahanda para lumusong sa bukirin. Agad siyang pumasok sa banyo at agad na naghanda upang tumulong sa mga ito. Suot ang ilang kamesa de Chino na damit ay bumaba siya. "Oh, hijo. Susunod ka ba sa bukid? Halika muna at mag-umagahan. May nilaga akong barako, baka magustuhan mo," wika ni Aling Martina. Ngumiti na lamang siya rito saka sumunod sa kusina. Habang kumain ng sinangag nitong kanin at daing na boneless bangus na may kamatis. Masarap ang barakong kape na hinihigop. Kahit papaano ay napapangiti siya. Matapos kumain ay nagpaalam na siya rito. Naghahanda na itong