Anim na buwan na si Kendra sa Hawaii at magpipitong buwan na rin ang tiyan. Sa huling balita sa magulang ay maayos na raw at naibalik na sa puwesto ang ama. Malugod rin naman daw bumaba ang acting mayor noong ito ay nahaharap sa kaso kaya walang naging problema ng maresolba ang draft at ibasura ng kamara ang isinampang kaso ni Mr. Enrico Rodriguez. Bilang counter affidavit ay naghain din ang Papa ng kaso laban rito dahilan upang makulong ito. Ngunit mas lalong nakapanlulumong balita ay ang malamang nawawala si Darius at nakababahala na ang ilang balita hinggil sa PIFC. Maging ang kaibigang si Cedric ay nababahala na dahil parami nang parami na ang empleyadong nagpipikit dahil ayaw nila ng patarakan ngayon na pagbabawas ng sweldo. Marami ring kliyente ang nagpu-pull out na at nakakatakot n