"Are you alright?" agad na tanong nito kay Erika na kinatango naman nito. Saka tumingin sa kaniya dahilan upang mapayuko siya. Natatakot siyang salubungin ang titig nito dahil baka malaman nitong may pinagdadaanan sila ngayon ng asawa. "Ayos ka lang ba?" dinig na tanong nito. Tumango rin siya bilang tugon sabay lingon kay Erika na nakatingin din sa kaniya. Marahil ay naiintindihan nito kung bakit siya nagsinungaling kay Christiano. "Sure ka?" maang pa nito. Batid na basang-basa rin siya nito pero ayaw niyang mag-alala ito. Ayaw niyang makagulo pa sa maayos nilang pagsasama ni Erika. "Oo naman, masaya ako para sa inyo," baling na lamang sa mga ito. "Salamat," tugon ni Christiano saka lumapit sa mag-ina niya. "Inaayos na lang namin ang papeles ni Christian. Lilipad na kami patungong Amer